Ganti ni Ebdane: Matillano tuluyang sinibak

Ilang oras matapos batikusin ni Director Matillano si PNP chief Ebdane tuluyan nang sinibak ng huli ang una sa kanyang puwesto.

Si Matillano ay papalitan ni Chief Supt. Arturo Lomibao. Bukod dito, hindi na rin pauupuin si Matillano bilang directorate for investigation and detective management at ang puwesto ay mapupunta kay Director Enrique Galang.

Nabatid na ikinairita ni Ebdane ang pagbabanta ni Matillano na ibubulgar ang mga kaso ng graft and corruptions ng PNP sa ilalim ng pamumuno ng una.

Sinabi ni Ebdane na may proper forum para dito at hinggil naman sa isyu ng mass leave sa PNP sinabi ng PNP chief na may karapatan ang sinumang pulis na ipahayag ang kanilang sentimiyento.

Show comments