Sa ulat ni PCG Information Officer Capt. Armand Balilo na nasagip ng mga mangingisda ang mga biktima habang palutang-lutang ang mga ito sa karagatan.
Nabatid na 19 sa mga ito ay nailigtas malapit sa Sico island, habang 13 pa ang nailigtas malapit naman sa Caluya Island sa may Palawan.
Pitong mangingisdang Hapones naman ang nailigtas ng isang cargo vessel sa karagatan ng Northern Luzon matapos na ma-stranded ang mga ito sakay ng isang pangisdang bangkang Shintu Kumaru.
Nabatid na nadaanan ng naturang cargo vessel na patungong Davao ang naturang bangka na nasusunog ang makina. Sinabi ng mga biktima na nasiraan umano sila ng makina nang abutan ng bagyo sa dagat at tangayin ng alon sa karagatan ng Pilipinas.
Inaalam naman ng Coast Guard kung sinadyang pumasok ng mga Hapones sa karagatan ng Pilipinas. (Ulat ni Danilo Garcia)