Ayon kay Vice Mayor Danny Lacuna, plano nilang ideklarang state of calamity ang lugar ng Tondo sa sandaling matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Health Department upang matukoy ang pinagsimulan ng nasabing sakit.
Nagpahayag naman ng pangamba si Lacuna na posibleng ang naturang balakin ay makulayan ng pulitika dahil baka akalain umano ng iba ay nais lamang niyang magpalabas ng budget ang pamahalaang lungsod.
Hindi pa mabatid ni Lacuna kung magkano ang ipapalabas na budget ng pamahalaang lungsod sa sandaling isailalim sa state of calamity ang Tondo.
Samantala, ayon naman kay Clemente San Gabriel ng Sanitation Division na mula sa 755 na kabuuang biktima ng kontaminadong tubig na nakaratay sa ibat ibang pagamutan sa Maynila ay 25 na lamang ang naiiwan, subalit dalawa pa dito ay nasawi sanhi ng dehydration. (Ulat ni Gemma Amargo)