Ayon kay Abalos, ang suspensyon ay ipinatupad upang bigyang daan ang isang imbestigasyon kung may pananagutan ba ang gumagawa ng 30-palapag na Globe Asiatique building na nasa kanto ng Pinatubo St. at EDSA.
Inutusan din ni Abalos si Conrad Anciado, hepe ng city engineering office na siyang manguna sa pag-iimbestiga.
Samantala, pagkakalooban ni Abalos ng P20,000 financial assistance ang mga naging biktima sa trahedya.
Magugunitang papauwi na ang mga biktima sa Muntinlupa galing sa isang religious activity ng Born Again sa Cubao, Quezon City nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang jeepney dakong alas-8:30 ng gabi noong Sabado.
Bumangga ang jeep sa bakod ng ginagawang gusali at tuloy-tuloy na nahulog sa 70 talampakang hukay. (Ulat ni Edwin Balasa)