Sa apat na pahinang demanda na isinumite nina Demetrio Alday at Lamberto Santos, kapwa kinatawan ng Bulakenyo para sa Mabuting Gobyerno at Kaunlaran (Bumago Ka), sinampahan din ng kaso ang ama ng gobernador na si Jose Mendoza; kapatid na board member na si Joselito Mendoza at hipag na si Violeta Mendoza, treasurer.
Nabatid na bukod sa pagiging malapit na kamag-anak sinabi ng Bumago Ka na ang mga ito ay opisyal din ng Freeway Motor Sales of Baliwag Corporation na matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad Highway, Baliwag ang kompanyang nakakasakop sa kontrata para sa pagbili ng 26 na sasakyan ng naturang lalawigan na umanoy umaabot sa halagang P17,978,210.00.
Kabilang din sa mga idinemanda ang iba pang incorporators ng Freeway na sina Marcelino Veneracion, Jr.; Benjamin Veneracion; Kristine Lazaro at Marbel Cantero.
Ayon sa Bumago Ka officers, bukod sa kawalan ng public bidding lantaran ding pinaboran ni dela Cruz ang korporasyon na kinaaaniban ng kanyang pamilya na umanoy lantarang paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713. (Ulat ni Doris M. Franche)