Ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco na tinagubilinan na rin nila ang mga security agency sa Kalakhang Maynila upang matamang bantayan ang mga matataong lugar lalu na ang mga shopping malls, hotels at mga sinehan sa panahong ito.
Binigyang diin nito na may inihanda pa rin silang iba pang contingency measures upang mapangalagaan ang taumbayan mula sa ibat-ibang criminal elements tulad ng terorismo.
Samantala, nakahanda na rin ang pamunuan ng MMDA para magsaayos sa daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Bukod dito, naglaan ang naturang ahensiya ng 10 milyong piso para sa landscapping projects at mga gutter repairs sa mga lugar na dadaanan ni Bush.
Nilinaw ni MMDA Chairman Bayani Fernando na bagamat walang isasarang mga pangunahing lansangan sa darating na Sabado, magkakaroon lamang ng ilang re-routing para na rin sa seguridad ng bisita. (Ulat nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla)