Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Fabianita Matias, 55, ng #11 Immaculate Conception, Barangay Holy Spirit, ng nabanggit ding lungsod, habang ginagamot din sa naturang ospital si Norma Calugod, 53.
Agad namang naaresto at kasalukuyang nakakulong sa CPD-Traffic Sector 5 ang suspect na si Lawrence Sanchez, 33, ng #15 Jayville St., Fairview Park.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa tapat ng Nissan Motors sa Commonwealth Ave.
Tumatawid sa pedestrian lane ang mga biktima nang biglang sumulpot ang humaharurot na Honda Civic na minamaneho ni Sanchez.
Hindi nagawa ni Sanchez na magpreno hanggang sa salpukin nito ang mga biktima na ikinasawi ni Matias.
Kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries sa QCPO si Sanchez. (Ulat ni Doris M. Franche)