Ang morphine ay isang uri ng regulated drug na karaniwang ginagamit sa mga pasyenteng may bone cancer.
Kamakailan ay nakumpiska din ng BoC ang 250 kahon ng valium na ipinadaan naman sa Central Mail Exchange Center na walang kaukulang permit ang Bureau of Food and Drugs.
Dumating sa NAIA ang kargamento kahapon ng umaga lulan ng EVA Air flight BR 271 buhat sa St.Louis, Missouri at naka-consigne sa Hizon Laboratories base sa airway bill no. 70727123.
Ayon sa ulat na natuklasan na ang naturang shipment ay may kabuuang timbang na 33.5 kgs. sobra sa inaprubahang import permit ng PDEA na 15 kilo lamang ang legal na importasyon.
Kaagad na nagpalabas ng warrant of seizure and detention order dahil malinaw na nilabag ng Hizon laboratories ang probisyon ng Tariff and Customs Code (TCC).
Binanggit na misdeclared ang shipment sobra ng 18.5 kgs. ang timbang nito sa actual na import entry ng naturang drug company.
Wala umanong intensyon ang BoC na gipitin ang Hizon Laboratories. Layunin lang ng BoC na mapigil ang pagdagsa ng mga regulated drug sa bansa upang hindi makapaminsala sa mga mamamayan. (Ulat ni Butch Quejada)