Nakilala ang mga hinatulang mabitay na sina Rodrigo Catungal at Jerro Garcia dahil sa kasong kidnap for ransom with homicide.
Samantalang anim na taong pagkabilanggo naman ang ipinataw sa kasamahan ng mga itong si Zaldy Carino, habang patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang isa pa nilang kasamahan na si Honofre Surat Jr.
Sa rekord ng korte, noong Mayo 2, 2001 nang dukutin at patayin ng mga suspect ang biktimang si Mark Harris Bacalla, 23, sa CRB Pubhouse sa Lagro Novaliches bago inilipat sa Nueva Ecija.
Bagamat napatay na nila ang biktima ay nakuha pang makapanghingi ng halagang 495,000 ang mga suspect sa pamilya ni Mark.
Mayo 21 naman nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang lugar sa Nueva Ecija.
Bukod sa parusang bitay, pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng halagang P1.2 milyon sa pamilya ng biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)