Walang nakarehistrong 9mm pistol si Marquez

Walang 9mm pistol na nakarehistro sa tanggapan ng PNP Firearms and Explosives Division si Parañaque City Mayor Joey Marquez.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Senior Supt. Gerry Barias sa ginawang beripikasyon ng mga mediamen kaugnay na rin sa akusasyon ni Kris Aquino na isang 9mm pistol ang ikinasa at itinutok sa kanya ng alkalde.

Tanging .45 pistol at ilan pang armas ang nakarehistro sa pangalan ni Marquez.

Sakali umanong totoo ang paratang ni Kris na 9mm ang ipinanakot sa kanya, mahaharap sa kasong illegal possession of firearm ang alkalde.

Maaari rin naman umano na hindi pamilyar sa kalibre ng baril si Kris. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments