Ang akusadong si Rosario Tortilla, ng Basal St, Quiapo ay napatunayang dalawang beses na nagkasala sa paglabag sa RA 6425 o pagbebenta ng ipinagbabawal na droga at hinatulan ng dalawang ulit na habambuhay na pagkabilanggo ni RTC Branch 27 Judge Teresa Soriaso.
Base sa walong pahinang desisyon ng korte, si Tortilla ay nakuhanan ng 2 bricks ng marijuana na tumitimbang ng 653 gramo, dakong alas-9 ng umaga at 12 pang bricks na may timbang na 9,723.7 dakong alas-4 ng hapon noong Enero 6, 1998.
Ang pagkaaresto kay Rosario, alyas Charing ay bunsod sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad.
Bukod sa dalawang ulit na habambuhay na pagkabilanggo pinagbabayad rin ng korte ng halagang P100,000 ang akusado. (Ulat ni Gemma Amargo)