Ayon kay Brgy. Captain Rolando Rivera ng Brgy. 186, Barracks 11, Tala, pineke umano ni Echiverri ang kanyang lagda upang maisakatuparan ang nagkakahalagang kalahating milyong piso na ghost project at delivery ng handheld radio mula sa Department of Transportation and Communication (DOTC).
Nabatid na kasong forgery sa korte at violation of anti-graft and corrupt practices act sa Office of the Ombudsman ang isasampa ni Rivera laban sa nasabing mambabatas.
Sabit din sa kaso ang umanoy iba pang kawani ng DOTC na pumirma at lumagda sa delivery receipt.
Kaugnay nito, mariin namang pinabulaanan ni Echiverri ang akusasyon ni Rivera kung saan tatapatan naman niya ito ng kasong libelo sa korte.
Aniya, may pangalan siyang iniingatan at hindi hindi niya hahayaan na sirain ito ng isang tao na nais na pabagsakin ang kanyang political career. (Ulat ni Rose Tamayo)