Ayon kay Atienza, ipinag-utos umano niya kay City Legal Officer Melchor Monsod na pag-aralan ang nilabag na responsibilidad ng mga barangay chairmen buhat sa ikatlong distrito ng Maynila.
"Our intention here is to correct the malpractice, kahit na nga sinasabi nila na hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil first time lang nilang bumiyahe sa labas ng bansa, pero hindi pa rin excuse iyon", ayon pa sa Alkalde.
Iginiit nito na malinaw umano sa batas na lahat ng elected officials ay kailangang kumuha ng travel permit na hindi nagawa ng mga barangay chairmen kayat lumalabas na lumabag sila sa kautusan.
Itinanggi pa ni Atienza na nakikisawsaw siya sa kontrobersiyal na issue katulad ng akusasyon ng militanteng grupo ng AKBAYAN.
Nais lamang umano niya na itama ang maling ginawa ng mga barangay chairman at bigyan ng leksyon ang mga ito na umanoy maging responsable sa kanilang mga tungkulin bilang lokal na pinuno sa kanilang lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)