Kinilala ang mga naaresto na sina Edris Kussain, 30, ng #208 Klizondo St., Quiapo, Danny Ali, 26; Mali Edris, 75; Buljie Mangingin, 27; Caroline Manuel, 19; at Amiran San Manuel, 18; pawang residente ng Murroro Lodge Elizando St. ng naturang lugar.
Ayon kay PO3 Roy Velano ng DAID-STFG, bandang alas-12:45 ng hapon nang maaresto ang mga suspect sa bahay ni Kussain sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Enrico Lansanas ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 7.
Isang impormasyon ang nakumpirma ng DAID-STFG na nagtatago ng malaking droga si Kussain sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto kayat kaagad na kumuha ng search warrant ang mga awtoridad upang mahalughog ang tinutuluyan nito.
Matapos na makakuha ng search warrant ay kaagad itong inihain ng pulisya kay Kussain kayat narekober mula rito ang may 200 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia at weighing scale.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)