Lady guard nahati ang katawan sa tren

Nahati ang katawan ng isang lady guard makaraang masagasaan ito ng tren kahapon ng umaga sa Makati City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Bernadette Humarito, 39, ng Estacion St., Barangay Pio de Pilar ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas ang suspect na si Johnny Alano, nakatalaga sa PNR Dispatching Unit sa Caloocan City.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Miguel Descalso ng Makati Traffic Enforcement Unit na naganap ang trahedya dakong alas-9:45 kahapon ng umaga sa Pasay Road, ng nabanggit na barangay.

Tumatawid ang biktima at hindi nito namalayan ang paparating na tren na minamaneho ni Alano.

Dahil sa lakas ng pagkabangga dito nahati ang katawan ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments