Ang mga kinasuhan ay ang writer na si Fe Zamora, ang publisher na si Isagani Yambot at Letty Jimenez Magsanoc, Editor-in-Chief ng PDI.
Sa tatlong-pahinang complaint sheet, inihayag ni Bienvenido Santiago, complainant-representative ng INC, lubhang nakakasira sa kredibilidad ng religious organization ang mga paratang ng PDI sa kanilang panulat na itinatago nila si Senador Gringo Honasan.
Pinabulaanan din ng INC na sila ay may isang pentagon room sa Central Office sa Commonwealth, Quezon City na sinasabi ng PDI na dito itinago si Honasan.
Diniin ng INC na kahit kailan ay hindi sila nagkanlong o protector ni Honasan na pinaghahanap ng pamahalaan matapos mapabalitang utak sa naganap na Makati mutiny.
Bukod dito, ang compound anya ng INC ay may layuning magserbisyo at maglingkod sa Diyos at ang lahat ng aktibidad dito ay sagrado.
Ang INC office ay binaha ng mga sulat at tawag buhat sa ibat ibang miyembro nito sa loob at labas ng bansa na nagsasabing dapat na magharap ng reklamo laban sa mapanirang report ng naturang pahayagan. (Ulat ni Angie dela Cruz)