Kasabay nito, naglabasan din ang mga basura sanhi ng pagtaas ng mga tubig sa ilang ilog at estero na bumabara sa pagdaloy ng tubig.
Namimiligro din ang kalusugan ng mga residente sa mga sakit na tulad ng dengue, malaria, diarrhea at sakit sa balat na kalimitang nakukuha sa panahon ng tag-ulan.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente sa low-lying areas na mag-evacuate upang hindi maapektuhan ng tubig-baha.
Ayon sa PAGASA dakong alas-10 ng umaga kahapon ng mamataan ang sentro ng bagyo sa 140 kms Silangang bahagi ng Vigan, Ilocos Sur.
Si Niña ay may bilis na hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at ang lakas nito ay umaabot sa 120 kph at inaasahang kikilos pa-Silangan sa bilis na 19 kph.
Nananatiling nakataas ang public storm signal no. 1 sa Ilocos, La Union, Pangasinan at Zambales. (Ulat ni Rose Tamayo)