Ayon kay VRB chairman Ramon "Bong" Revilla, Jr. , magkasabay na isinagawa ang pagsalakay noong Biyernes sa una at ikalawang palapag sa Virra Mall, Greenhills at sa Unit 1804, Tower F, Renaissance Tower 1000, Meralco Ave., Pasig City.
Mabilis namang nakatakas ang may-ari ng establisimyento at pakay ng search warrant na si Colin Manuel .
Kabilang sa mga nasabat ng mga awtoridad ay ang 11 unit ng CD Replicator o Burner Tower; limang computer processor; tatlong metal stamper; anim na PC Monitor at Keyboard; dalawang PC printer; limang blank spool ng CDR; dalawanng kahon ng pekeng VCD at DVD; isang ADSL modern na Nokia at libu-libong Microsoft at Macromedia software label.
Sinabi ni Revilla na matagal na nilang minamatyagan ang mga lugar ni Manuel at ng ito ay positibo, agad silang kumuha ng search warrant para dito.
Si Manuel ay kakasuhan ng paglabag sa PD 1987 at Sec. 177 ng RA No.8292 o Copyright Infringement. (Ulat ni Doris Franche)