Bagamat tumanggi si Reyes na ibunyag ang pangalan ng nasa likod ng nabigong pag-aaklas, sinabi nito na unti-unti ring lalabas ng kusa ang mga ito habang umuusad ang imbestigasyon ukol sa insidente.
Tiwala din si Reyes na malilinis ang kanyang pangalan mula sa mga malisyoso at kakatwang mga paratang na pilit na inuugnay sa kanya ng mga mutineers.
Aniya, ginagamit siya at ang Magdalo group ng ilang ambisyosong pulitiko upang ibagsak ang pamahalaan para sa kanilang mga pansariling interes.
Si Reyes kasama sina DILG Secretary Joey Lina at PNP Chief Hermogenes Ebdane ay sentro ng imbestigasyon na binuo ni Pangulong Arroyo batay na rin sa rekomendasyon ng kalihim upang maiwasan ang anumang whitewash ng kaso.
Patuloy din ang pagsisiyasat ng Senado upang matukoy kung ano ang dahilan at kung sino ang nasa likod ng bigong kudeta ng mga junior officer. (Ulat ni Doris Franche)