Ito ang iginiit kahapon ni PNP Chief Director Gen. Hermogenes Ebdane sa kanyang apat-na-pahinang pahayag na isinumite sa Sandiganbayan.
Ikinatwiran ni Ebdane na hindi malayong maglunsad ng malaking rally sa VMMC ang mga tagasuporta ni Estrada base na rin sa nakalap nilang intelligence report kaya inilipat nila ang dating Pangulo.
Nagdesisyon lamang ang PNP na ibalik si Estrada sa VMMC mula sa Detention Facility ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp Aguinaldo matapos gumanda ang sitwasyon.
Hindi lamang aniya ang kaligtasan ni Estrada ang kanilang isinaalang-alang sa ginawang paglipat dito kundi ang seguridad ng bansa.
Ang paliwanag ni Ebdane ay kaugnay sa kahilingan ng mga abogado ni Estrada na i-contempt at parusahan ang mga pinuno ng PNP dahil sa paglilipat kay Estrada sa Camp Aguinaldo noong nakaraang Linggo. (Ulat ni Malou Escudero)