P15-M pabuya sa ulo ni Al-Ghozi, 2 pa

Inuulit ng Philippine National Police ang kanilang panawagan sa publiko para sa ikadarakip o makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga puganteng sina Fathur Rohman Al-Ghozi na may patong na P10 milyon pabuya; Abdul Mukhim Ong Edris, P3 milyon at Omar Opik Lasal, P2 milyon.

Maaaring ireport ang anumang impormasyon sa mga nabanggit na pugante sa pinakamalapit na presinto o tumawag sa tanggapan ni PNP chief Police Director Hermogenes Ebdane (02) 7264366. Maaari ding tumawag sa 24-hrs. police hotline (02) 7221204 o magtext sa TEXT PNP 2920 o PATROL 117.

Gumamit lamang ng CODE NAME sa pagrereport ng impormasyon na magagamit naman sa pag-claim ng cash reward.

Show comments