Patay na nang idating sa FEU Hospital ang biktima na nakilalang si Jessie Roy Layumas, consultant sa QC Hall at naninirahan sa Concepcion, Marikina City matapos na magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect na nakasakay sa isang Suzuki motorcycle matapos ang isinagawang krimen.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa tapat ng Emans Bonsai sa panulukan ng Dama de Noche at IBP Road sa Quezon City.
Pinaparada ng biktima ang kanyang sasakyang Mitshubishi Lancer na may plakang NPT 771 nang bigla itong lapitan ng mga salarin.
Pilit na kinukuha ng mga suspect ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng may kalahating milyon, subalit tumanggi ang biktima na ibigay ito.
Dahil dito, napilitan ang mga suspect na barilin ito ng apat na ulit ulit at saka nang humandusay ay kinuha ang dalang pera ng biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat nina Doris Franche)