Kinilala ang suspek na si Jose Sta. Ana, empleyado ng Office of Public Safety and Security ng Marikina City at residente ng Blk. 23 Settlement Site, Nangka St., ng nabanggit na lungsod. Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga, habang minamaneho ng biktimang si Anthony Ocampo, 44-anyos, ang kanyang jeep sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave. sa Marikina City ng hulihin ito ng suspek sa kasong disregarding of traffic sign.
Kinuha umano ng suspek ang car stereo ng biktima at para mabawi ito ay kailangan niyang magbayad ng P500 bilang pantubos. Bunga nito ay agad na inireport ng biktima kasama ng kanyang amo ang insidente sa pulisya at sa isinagawang entrapment operation ay naaresto ang suspek at nabawi ang car stereo.
Inihahanda na ang kasong extortion laban sa naturang traffic enforcer na nakakulong ngayon sa Marikina jail. (Ulat ni Edwin Balasa)