Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Eduardo Matillano ang mga nasakoteng suspect na sina Army Sgt. Ernesto Tuquero, 43, may-ari ng sinalakay na EREV Military Supply and General Merchandise sa ATU South Concessionaire, Fort Bonifacio, West Bicutan, Taguig at 1st Lt. Wilfredo Sabodo Jr. ng Pembo, Makati City.
Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Jose Hernandez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 158.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang PNP-CIDG hinggil sa illegal na operasyon ng mga suspect kayat matapos ang surveillance operations ay isinagawa ang pagsalakay.
Nasamsam mula sa mga ito ang dalawang M16 Elisco armalite rifles; isang M16 Elisco baby armalite; isang M16 Elisco infant armalite rifle; isang shotgun model 30R; 2 caliber .22 revolver; 3 piraso ng M203 rifle grenade; isang hand-grenade; 20 kahon ng bala ng cal. 45; 4 na kahon na bala ng shotgun; 50 bala ng M14 rifle; 9 kahong bala ng 9mm pistol; 50 kahong bala ng AK-47 rifle; 20 piraso ng magazine ng AK-47 rifle at sari-saring mga accessories ng mga armas.
Sinabi ni Matillano na ang nadiskubreng arms cache ay may kakayahang armasan ang isang special reaction team ng PNP. (Ulat ni Joy Cantos)