Sa 13-pahinang desisyon ni Judge Porfirio Macaraeg ng Branch 110 ng Pasay City RTC, ang mga nahatulan ay sina Rufina Lovina, 72, at ang anak nitong si Policarpio Lovino, 44.
Hinatulan din in absentia ang isa pang akusado na si Teoderico Medrano.
Bukod sa dalawang habambuhay na pagkabilanggo iniutos din ng korte sa mga akusado ang pagbabayad ng tig-isang milyong piso bilang danyos perwisyo.
Sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Enero 17, 1999 sa panulukan ng Rodriguez at Tolentino Sts. sa Pasay City kung saan nadakip ang mag-inang Lovina.
Tinatayang aabot sa 964.7 gramo ng shabu ang nasamsam sa mag-ina.
Napag-alaman pa na ang matandang Lovina ay kumandidatong konsehal sa Pasay City noong nakalipas na halalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)