Ang pinaghahanap ay si Amina Macusi, maybahay ni Supt. Rolando Macusi, hepe ng La Union Police Station.
Batay sa reklamong iniharap ng pitong car rental, ang modus operandi ni Macusi ay ang magrenta ng mga sasakyan sa ibat-ibang tanggapan at pagkatapos ay hindi na niya ibabalik kahit tapos na ang kontrata sa pagrenta sa mga ito.
Kapag napasakamay na niya ang mga modelong sasakyan nagagawa, ni Mrs. Macusi na mapagawan ito ng papeles sa Land Transportation Office (LTO) at ikuha ng clearence sa Traffic Management Group (TMG) at saka niya ito ibebenta.
Dalawanput isa sa 144 sasakyang inarkila nito na hindi na isinauli ang nabawi ng mga awtoridad.
Ang ilan ay naibenta na ni Mrs. Macusi kung saan sa pinagbentahan na ito nabawi ng mga awtoridad.
Kabilang sa mga sasakyang inaarkila ni Macusi ay Honda Civic, Mitsubishi Pajero, Adventure, Toyota Altis, Toyota Tamaraw, Nissan Sentra at Nissan Exalta na mula 2001 hanggang 2003 ang modelo.
Bunga nito, pinaiimbestigahan din ni DILG Secretary Joey Lina kay Task Force Jericho chief Manuel Cabigon ang mga tauhan sa LTO at TMG na kasangkot ni Macusi sa operasyon.
Sumasailalim din sa imbestigasyon si Supt. Macusi para alamin kung may alam ito sa operasyon ng asawa.(Ulat ni Doris Franche)