Sinibak na editor nangikil ng P5-M

Inireklamo kahapon ng isang kilalang negosyante ang pinatalsik niyang editor at publisher na nagtangkang mangikil umano ng P5 milyon sa kanya. Sa paghahangad umano na makikilan ng malaking halaga ang negosyanteng si Col. Antonio Cabangon-Chua, ang discredited journalist na si Antonio Lopez na dating empleyado niya ang pormang humadlang sa kumpirmasyon nitong huli sa Commission on Appointments (CA) bilang ambassador sa Laos.

Nabigong makikilan ni Lopez si Cabangon-Chua nang ibulgar ng negosyante ang balak na pangongotong. Agad-agad ding binasura ng Commission ang reklamo dahil wala itong katuturan at hindi sumunod sa proseso ng pagtanggap ng reklamo.

Ipinaliwanag sa komisyon ni Cabangon-Chua na nung gabi bago ang plenary session kung saan nakatakda ang kanyang kumpirmasyon bilang ambassador, tumawag si Lopez sa telepono sa kanya at humihingi ng P5 milyon.

Sinabi pa nitong hahadlang siya sa Commission on Appointments.

Nagpakita sa CA si Chua ng tseke at quit claim na parehong pirmado ni Lopez na nagpapatunay na tumanggap na ng sapat na separation pay si Lopez nang siya’y masibak bilang editor-in-chief at publisher ng Philippine Graphic na pag-aari ng negosyante. Sinibak din si Lopez ng Asia Week, isang prestigious na international magazine, nang mapatunayan na media consultant si Lopez ni ex-president Joseph Estrada kung kaya may conflict of interest.

Show comments