Kasabay nito, inatasan din ni QCRTC Judge Jose Catral Mendoza ng Branch 219 ang akusadong si Nestor Reyes ng Escopa 4, Libis, Q.C. na bayaran ang mga naulila ng biktimang si Joseph Invencion ng halagang P1.2 milyon bilang danyos.
Batay sa pitong pahinang desisyon ng korte, may sapat na ebidensiya upang patawan ng habambuhay na pagkabilanggo si Reyes bunga ng pagpatay kay Invencion noong Mayo 1, 2001. Isa pang suspect na si Ariel Reyes, pinsan ni Nestor ang pinaghahanap pa ng pulisya.
Nag-ugat ang insidente nang magsumbong si Ariel kay Nestor na naka-alitan ni Invencion hanggang humantong sa saksakan.
Ibinasura din ng korte ang alegasyon ng akusado na self defense ang nangyaring pagpatay kay Invencion. (Ulat ni Angie dela Cruz)