Vintage bomb nahukay

Isa na namang vintage bomb na gamit noong World War II ang nahukay ng mga construction worker sa compound ng Court of Appeals, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na nadiskubre ang may 155 millimeter ng bomba dakong alas-10 ng umaga kahapon sa construction site sa may Ermita, Manila.

Nahukay ito ni Ramil Asoque, na nagsabing naramdaman umano niya ang matigas na bagay na noong una ay inakala niyang bato lamang.

Mabuti na lamang umano at iniwasan niya ito hanggang sa madiskubre na isa nga itong bomba kung kaya mabilis niyang ipinagbigay alam sa pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments