Si Benjamin Collera, 25, ng 34 Moore St., Brgy. Bungad, Q.C. ay sinampahan ng kasong illegal possession of firearm matapos na makumpiskahan ng .45 kalibreng baril at mga bala nito.
Batay sa report ni Supt. Julius Cesar Abanez, hepe ng CPD-Baler Station, si Collera ay dinakip sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Rogelio Pizzarro ng QC RTC sa kasong homicide.
Sinabi ni Abanez na matagal ng pinaghahanap ang suspect at nang maispatan sa nasabing lugar ay nakapkapan pa ng baril. (Ulat ni Doris Franche)