Sinabi ni AFP Public Information Office Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang hakbang na ito ng militar ay bilang tugon sa tumitiding tensyon bunsod ng pagkalat ng SARS.
Ayon kay Lucero, ang AFP medical team ay binubuo ng tatlong doktor at tatlong nurse na itatalaga sa NAIA at magkakaroon ng lingguhang palitan sa loob ng anim na buwan.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim na sa orientation ang mga itatalagang military doctor at nurse.
Idinugtong ni Lucero na bagamat delikado ang magiging trabaho ng mga military personnel sa NAIA ay kanila itong tutugunan lalot sa panahong itoy alam nilang kulang ang mga manggagamot sa binabantayang paliparan.
Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya na ipinatutupad nila ang mahigpit na quarantine sa mga opisyal at miyembro ng militar na nag-iischooling sa ibang bansa partikular na sa bansang apektado ng SARS. (Ulat ni Joy Cantos)