Bukod dito, ang 147 pasahero at crew members ng nasabing flight ay binigyan ng clearance na makaalis matapos sumailalim sa eksaminasyon ng mga doktor sa airport.
Napag-alaman na ang isa sa mga pasahero na si Seo Beunkoo, isang Korean national ay may mataas na lagnat kaya ito ang naging dahilan para pabalikin ng Manila Control Tower ang eroplano kamakalawa ng gabi.
Gayunman, sinabi ni Ferdie Sampol, head supervisor ng BI sa airport na si Seo na isang scuba diver ay dumating sa bansa noong Abril 20 ay nagkaroon ng malaking sugat sa paa matapos itong maligo sa isang beach sa labas ng Metro Manila na maaaring naimpeksyon kaya tumaas ang taglay nitong lagnat at hindi dahil sa SARS. (Ulat ni Butch Quejada)