Kinilala ni Supt. Francisco Abonales ang mga nasawi na sina Jose Manansala at si Cesar Corpuz, kapwa miyembro ng grupong Genuine Ilocano (GI). Ang dalawa ay hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa NBP Hospital.
Sugatan din sa insidente sina Peter Agonoy; Noel Navarro; Felix Corpuz; Wilfredo Prado at Wilson Suetas, pawang miyembro rin ng grupong GI. Ang mga ito ay nagtamo ng mga saksak sa katawan.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:20 ng kamakalawa ng gabi sa Dormitory 13-A ng maximun security compound.
Nabatid na biglang-bigla ang pagwawala ni Manansala at pinagsasaksak hanggang sa mapatay nito si Corpuz at ang lima pang sugatan.
Dahil sa hindi gaanong napuruhan ang lima kaya nagawa nilang gulpihin at hatawin ng matigas na bagay sa ulo si Manansala na naging dahilan naman ng pagkasawi nito.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.
Sinisiyasat rin kung papaanong nagkaroon ng patalim si Manansala sa loob ng maximum security compound. (Ulat ni Lordeth Bonilla)