Ayon kay Justice Undersecretary for Corrections and Penology Ramon Liwag na nagpadala si Jalosjos ng isang pahinang request letter kalakip din ang endorsement letter mula sa Bureau of Corrections na humihingi ito ng permiso na humarap sa mga mamamahayag at magsagawa ng press conference.
Nilinaw ni Liwag na binalewala o na-deny ang kahilingan ni Jalosjos dahil sa itinuturing na itong isang ordinaryong bilanggo at hindi isang personalidad.
Bukod dito, maaari din umanong gayahin ng iba pang preso ang gagawin ni Jalosjos kapag pinayagan ito ng DOJ na magsagawa ng presscon.
Idinagdag pa ni Liwag na hindi na dapat pang pagtuunan ng pansin ni Jalosjos ang nasabing kaso dahil sa patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito at hinihintay na lamang ang progress report ni BuCor director Ricardo Macala tungkol sa nasabing insidente.
Samantala, sinabi naman ni Macala na nais lamang ni Jalosjos na magpatawag ng presscon upang ibigay ang kanyang panig dahilan sa lumabas na ulat na siya ay lango sa alak kung kayat binaril nito si Marcos de Guzman na isa ring inmate na kasama ng dating congressman sa maximum bilibid prison compound ng NBP. (Ulat ni Gemma Amargo)