Dahil dito, nabigong i-serve ang suspension order nang hadlangan ng mga taga-suporta ng nabanggit na mayor ang may dala ng order at maging ang ilang kagawad ng Norhtern Police District na kasama ng taga-DILG ay wala ring nagawa matapos na harangin sila na makapasok sa loob ng Malabon City Hall ng supporter ni Vicencio.
Ang preventive suspension order ay bunga ng isinampang kasong administratibo laban kay Vicencio kaugnay sa pagbili ng local na pamahalaan sa 12.6 ektaryang lupa sa Tanza, Navotas na pag-aari ng Jun-Jun Corp. upang maging relocation site ng mga residente ng nasabing lungsod na maaapektuhan ng North Railway Project.
Ayon sa reklamong isinampa laban kay Vicencio ng mga opposition councilors na sina Edilberto Torres, Ma. Luisa Villaroel, Payapa Ona at Ricky Bernardo, lumalabas umano na masyadong mahal sa P700 kada metro kuwadrado ang pagkakabili ng Malabon sa nasabing lugar.
Binigyang-diin naman ni Vicencio na nasagot na niyang lahat ang mga alegasyon na isinampa laban sa kanya at wala raw mahanap na butas upang siya ay makasuhan base sa merits ng kaso kaya pilit siyang sinususpinde. (Ulat ni Rose Tamayo)