Pusher na parak inaresto

Inaresto kahapon ng mga tauhan ng CPD sa isinagawang drug-bust operation ang isa nilang kasamahang pulis na umano’y pinaniniwalaang drug pusher sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakapiit ngayon sa tanggapan ng CPD Station 5 ang pulis na nakilalang si PO2 Romeo Costibolo, 38, nakatalaga sa District Support Service Unit ng CPD at naninirahan sa MMTC Compound, Barangay East Fairview, Quezon City.

Isang miyembro ng Drug Enforcement Unit ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Costibolo at nang aktong tinatanggap nito ang P500 marked money ay agad na dinakma ng mga awtoridad.

Nasamsam dito ang limang transparent sachet na naglalaman ng shabu at ang tinanggap nitong marked money. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments