Ayon kay P/Sr. Supt. Sukarno Ikbala, hepe ng pulisya sa lungsod itoy matapos na lumutang ang isang lalaking pipit bingi at isang anim-na- taong gulang na batang lalaki na positibong nagturo sa apat na naarestong suspect. Ang dalawang key witness ay isinailalim sa kustodya ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Benhur Abalos Jr.
Sa isang police line-up kahapon, positibong itinuro ng dalawa ang mga suspect na sina Merino Pedrosa, 26; Danny Gonzales, 25; Danny Ramos, 43; at Tomas Oraga, 28, na siya umanong sangkot sa panghahalay at pagpaslang sa biktimang si Niña Gwenzei Severino.
Nauna nang lumutang noong nakaraang Linggo ang isang 12-anyos na batang lalaki na umanoy nakakita sa dalawa sa mga suspect habang umaaligid sa lugar na hinihinalang tangkang sunugin ang bangkay ng biktima upang itago ang krimen.
Sinabi ng bagong testigo sa pamamagitan ng sign language na nakita umano niya si Oraga na inilagay sa loob ng gulong ang ulo ng biktima habang si Ramos ay pinagsasaksak ito ng matulis na bagay at sina Pedrosa at Gonzales ay kapwa pinukpok naman ng bato sa mukha ang bata. Pinagpapalo rin umano ng tubo ni Pedrosa ang biktima.
"Lahat po sila sinaktan at hinagisan nila ng bato si Niña," saad ng pipit binging testigo sa pamamagitan ng sign language habang sinabi naman ng batang lalaki na ang mga suspect umano ang kumaladkad at nagbigay ng kendi sa biktima.
Magugunita na ang bangkay ng biktima na may malalim na saksak sa ulo, wasak ang mukha at kaselanan ay natagpuan nitong Marso 26 sa isang estero sa pagitan ng pader sa likuran ng Eternit Asbestos Factory sa San Francisco Drive, Brgy. Hulo ng naturang lungsod. (Ulat ni Joy Cantos)