Nahaharap ngayon sa kasong serious physical injury ang suspect na si Miguel Recosana, 25, ng 1837 E. Rodriguez St. Brgy. Carmona , Makati City at hinete ng Philippine Racing Club.
Nagtamo naman ng bukol at pasa sa mukha at maging sa bahagi ng katawan ang biktima na si Rose Recosana, 24, asawa ng suspect.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 6 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Nakulitan umano ang suspect sa kadaldalan ng biktima kung kayat hindi na nito napigilan ang kanyang galit at pinagsusuntok ang huli. (Ulat ni Lordeth Bonilla)