Halos hindi makatayo sa sakit ng katawan ang suspect na nakilalang si Robert Roque ng Washington St. Brgy. Pio del Pilar, Makati City na ngayoy nakakulong sa Makati City Police Criminal Investigation detention cell.
Batay sa salaysay ni Manalo, ng 1688 J. Antonio Rivera St. Tondo, Maynila, dakong alas-3 ng madaling-araw nang nasa Decades Bar sila ng kanyang kaibigang si John Vincent Alhadad sa panulukan ng Amorsolo St. at Pasay Road sa nabanggit ding lungsod at kasalukuyan silang nagsasayaw nang maramdaman niya na gumaan ang kanyang pantalon.
Agad na kinapa ni Manalo ang kanyang bulsa sa likuran at laking gulat na lamang nito nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng suspect.
Nabatid na maging ang pitaka ni Alhadad ay nawawala din kung kayat pinagtulung-tulungang bugbugin ng mga ito ang suspect.
Ayon sa aktor, posibleng naipasa na ng suspect sa mga kasamahan nito ang pitaka ni Alhadad at kanyang wallet na naglalaman naman ng $200, P5,000 cash at ibat ibang ATM cards.
Subalit ayon sa suspect, wala siyang kinukuhang wallet sa aktor at napagkamalan lamang siya nito.
Si Roque ay sasampahan ng kasong theft sa MC Prosecutors Office. (Ulat ni Lordeth Bonilla)