Ang suspect na si PO2 Wilson Estropia ng PNP-Security Protection Group ay pormal na inireklamo ng isang Rolando Castro, 40, ng 26 Gen. Malvar St., Bagong Barrio dahil sa pagmumura at pagbabanta habang hawak umano ng una ang kanyang baril.
Sa salaysay ni Castro, dakong alas-7:30 ng gabi habang nasa loob siya ng R&G Restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng 10th Avenue nang bigla na lamang umano siyang lapitan at pagmumurahin ni Estropia.
Hindi umano alam ni Castro ang atraso nito at dahilan ng pagwawala ng naturang pulis. Nakita lamang umano niya na mag-isa ang suspect na umiinom sa mesa at nang malasing ay palinga-linga sa mga costumer na nasa loob ng kustomer.
Natigil na lamang umano ang suspect sa kanyang pagwawala nang isang nagpakilalang kapatid ni Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo ang lumapit at umawat.
Bago pa umano umalis ang suspect ay sinabihan pa si Castro na papatayin sakaling muli silang magkita. (Ulat ni Rose Tamayo)