Sa press conference na ginanap kahapon sa Camp Karingal, nabatid na ang mga nabawing kotse ay kinabibilangan ng MB100; four-door Nissan Sentra; BMW; Range Rover; Pajero; Honda V-tech; Mitsubishi pick-up van at Honda Civic na may diplomatic plate ng DC 6408.
Ayon kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, ang mga nasabing sasakyan ay nakuha sa compound na pag-aari ni Ma. Elena Lim sa 33 Doña Juana Rodriguez Avenue, New Manila, Quezon City. Ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 6539 o anti-carnapping law.
Pinasok ng mga operatiba ang compound sa bisa na rin ng search at arrest warrant matapos na makatanggap sila ng impormasyon na maraming luxury cars ang ipinapasok ng naturang compound.
Inimbitahan din ng pulisya sina Jose Mayor at Faith Bahala, kapwa stay-in carwash boy upang kuwestiyunin sa umanoy aktibidades ni Lim.
Samantala, iniimbestigahan din ng pulisya ang umanoy modus operandi ng ilang may-ari ng sasakyan na kadalasang nagdedeklara na kinarnap ang kanilang mga behikulo.
Ayon kay NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco na may natanggap din silang impormasyon na tungkol sa modus operandi na carnap me. Ito ay tumutukoy sa mga idineklarang kinarnap na behikulo na kadalasang ang may-ari mismo ang gumagawa nito.
Kadalasan ginagamit na loan ang mga sasakyan sa casino at saka idinedeklarang nakarnap ito habang nagsusugal.
Posibleng may sindikato rin umanong sangkot sa pagpapatakbo nito. (Ulat ni Doris Franche)