Magkapatid na 'shabu queen' arestado

Nadakip ng mga tauhan ng Manila City Hall-Operators Group (SOG) ang magkapatid na tinaguriang ‘shabu queen’ sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Nakilala ang dinakip na magkapatid na sina Lovely Diaz, 31 at Arsenia Diaz, 55, kapwa ng Capulong St. Tondo.

Nahaharap ang magkapatid sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang comprehensive drug act.

Ayon sa pulisya, ang pagkakadakip sa magkapatid ay bunga na rin ng mga reklamong natatanggap nila laban sa ilegal na aktibidades ng mga ito sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments