Sa anim-na-pahinang desisyon ni Judge Porfirio Macaraeg ng Branch 110, Pasay City Regional Trial Court, ang akusado ay nakilalang si Johnny Tan, 38, nakatira sa #22 Sta. Catalina St., Mayon, Quezon City.
Bukod sa habambuhay na pagkakulong, pinagbabayad ng hukuman si Tan, dealer ng ipinagbabawal na gamot, ng kalahating milyong piso dahil sa paglabag sa Section 15, Republic Act 6425.
Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Disyembre 2000 sa may Kenny Rogers sa Roxas Blvd., Pasay City.
Nabatid na nadakip ang suspect ng operatiba ng Narcotics Group at nakumpiska rito ang 10 kilong shabu.
Dahil sa mga ebidensiyang prinisinta sa hukuman laban sa akusado, napatunayan na nagkasala ito sa pagbebenta ng droga kayat habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng hukuman. (Ulat ni Lordeth Bonilla)