Ngayon araw ay sisimula naman ng mga miyembro ng Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) ang pagsasabit ng itim na ribbon bilang protesta at pagluluksa sa napipintong phaseout ng mga jeep at tricycle.
Ayon kay PCDO-ACTO President Efren de Luna, isa-isa nang pinaaalis sa kalsada ang kanilang mga sasakyan matapos ang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng langis ng tatlong oil companies.
Aniya, maraming sasakyan din ang matatanggal sa kalye makaraang hindi pumasa sa smoke emission test dahil na rin sa pagiging second hand ng mga ito.
Nabatid kay de Luna na ipapalit ng Land Transportation Office at ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang pagpasok ng mga bus at FX taxi sa mga ruta ng mga pampasaherong jeep.
Nakatakda namang magsagawa ng transport strike ang PCDO-ACTO sa Pebrero 14. (Ulat ni Doris Franche)