Kasabay nito ay nanawagan ang grupo kay Interior and Local Government Secretary Joey Lina na aksiyunan sa lalong madaling panahon ang kanilang mga karaingan.
Hiniling ng mga ito na kung hindi magbabago ng kaniyang masamang asal si Catalan ay mas makabubuting palitan na lamang ito sa puwesto.
Ayon sa mga ito, madalas na sarkastiko at bastos umano si Catalan sa pakikipag-usap sa mga miyembro ng media sa tuwing kakapanayamin partikular na sa kasong pagpatay kay Åteneo Law graduate Jose Llamas.
Nabatid na ilang reporter ng dyaryo at radyo ang nakaranas ng pambabastos ni Catalan kabilang na dito si Vic Pambuan ng ABS-CBN DZMM habang ito ay nagko-cover sa isang insidente ng hostage drama.
Sinabi pa ng grupo na mas paborito, pinakikitunguhan umanong mabuti at binibigyan ng mas malalaking istorya ni Catalan ang mga TV reporters kumpara sa mga print at radyo na kulang na lamang ay ipagtabuyan nitong palabas sa kaniyang tanggapan. (Ulat ni Lordeth Bonilla )