Kasalukuyang nakaratay sa Manila Central University Hospital ang tatlong biktima na pawang nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan na sina Nemeriano Sausa, 63, janitor ng Lakandula Elementary School; Rolando Mago, 34, utility man ng Better Living Inc. at Janette dela Cruz, factory worker, ng BLock 2, Phase 2, Lot 1 Area 2, Pampano St, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.
Inoobserbahan din sa nasabing pagamutan sina Ruby Cepeda, 41, guro ng Aguinaldo Elementary School sa Tondo, Manila; Imelda de Guzman, 48, guro ng Lakandula High School; Teresita Petiro, 58, guro ng Perfecto High School at Carmencita Alberto, 39, guro, ng Grace Park Elementary School.
Samantala, si Edgar Gianan, 39, may-asawa, ng Block 39, Phase 3, Caloocan City ay kasalukuyang nakapiit sa selda ng Caloocan Traffic Enforcement Group na siyang bumangga sa sinasakyang jeep ng mga biktima.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:50 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidene sa kahabaan ng Gen. Tinio St., Bagong Barrio, Caloocan.
Nang aktong magsisibaba na ang mga biktima ay biglang binangga ng suspect na nang mga sandaling yon ay lasing na lasing sa alak ang kanyang pinapasadang jeep na may plakang NYD-784 ang sinasakyang jeep ng mga biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)