Nakilala ang nasawi na si Rosalyn dela Cruz ng Pamplona 3, ng nabanggit na lungsod. Siya ay isinugod sa Perpetual Medical Center subalit hindi na umabot pang buhay.
Base sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagbaril sa mukha si Dela Cruz sa loob ng kanyang kuwarto.
Base sa ulat ng pulisya, posible umanong masyado nang napagod sa kaiisip si Dela Cruz matapos na ang malaking bahagi ng P4 million money transfer ay nawala sa banks cash vault.
Lumalabas pa na may ilang bank procedures ang hindi natugunan ni Dela Cruz, dahilan upang siya ay i-reprimand ng pamunuan ng bangkong kanyang pinagtatrabahuhan.
Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa lahat ng anggulo ng kaso.
Samantala, sa isa pang insidente ng suicide, hiniling naman ng pamilya ng UCPB branch manager sa pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon dahil sa paniwalang mayroong naganap na foul play sa pagpapatiwakal ng kanilang kamag-anak na si Editha Co-Fabico, noong nakalipas na Lunes sa Tondo, Manila.
Ayon kay Mr. Mariano Rellora Jr., hindi siya naniniwala na nagpakamatay ang kanyang kapatid na si Editha, branch manager ng UCPB sa El Cano St.-Divisoria dahil sa 2 tama ng bala ang tinamo nito sa kanyang dibdib nang matagpuang patay noong Lunes sa kanyang tahanan.
Bukod dito, nawawala rin sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit umanong baril sa pagpapatiwakal ng kanyang kapatid. Anya, nakakapagtaka ang pangyayari dahil wala namang magpapatiwakal na 2 beses magbabaril sa sarili at sa dibdib pa. (Ulat nina Nikko Dizon at Rudy Andal)