Narekober din sa nasabing bodega ang ilang pang mga kemikal na kinabibilangan ng barium sulfate, white powder, 195 crates ng thionyl chloride, caustic soda, acetone na pawang nakasilid sa mga drum at mga sales invoices na nakasulat sa Chinese character.
Pinaniniwalaang galing pa sa bansang China at Taiwan ang mga nasabing kemikal at dito sa bansa ginagawa at ibinebenta.
Ang mga nakumpiskang mga kemikal ay makakagawa na ng daan-daang kilo ng shabu.
Nabatid pa sa report na ang nasabing bodega ang umanoy nagsilbing imbakan ng mga kemikal ng nasunog na shabu laboratory sa Valenzuela City noong Lunes.
Malaki ang paniwala ng pulisya na ang mga dayuhang Intsik ang nagmamay-ari sa laboratoryo sa Valenzuela na sina Lee Yuk Sau at Wang Yashi ay siya ding may-ari sa natuklasang imbakan ng mga kemikal ng shabu sa Navotas.
Nabatid pa na itinago ng mga suspect ang mga kemikal sa pagkukuwaring ang nasabing bodega ay imbakan lamang ng mga asukal, century eggs at picture frames na kinilalang si Deng Xioli.
Sinabi pa ni NPD director Senior Supt. Marcelino Franco na apat pang mga suspect na pawang mga Intsik at isang dayuhang babaeng Taiwanese ang kanilang pinaghahanap.
Samantala, kinumpirma ng pulisya na sumuko na kahapon ang tinutugis na si Lee Yuk Sau, sinasabing may-ari sa nasunog na gusaling napag-alamang laboratoryo ng shabu sa Valenzuela noong Lunes. (Ulat nina Rose Tamayo, Grace dela Cruz at Lilia Tolentino)