Nakilala ang biktima na ginagamot sa Ospital ng Makati na si Gemma Chuca, ng 44 Kakawati St., Barangay Western Bicutan dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Agad namang nadakip ang namaril na mister na si Alfredo, 24, ilang oras makaraan ang insidente.
Nabatid sa ulat na dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa nang lasing na umuwi si Gemma buhat sa isang inuman kasama ang mga barkada nito.
Galit na sinita ni Alfredo ang asawa na ikinagalit din nito hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.
Dahil sa labis na pagkapikon sa kanyang misis ay kinuha ni Alfredo ang kaniyang baril at pinaputukan ang asawa.
Duguang bumulagta si Gemma at sa labis na kalituhan at takot sa pangyayari ay tumakas si Alfredo habang mabilis namang naisugod sa pagamutan ng mga dumalong kapitbahay ang biktima.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide. (Ulat ni Lordeth Bonilla)