Nene 2 ulit hinalay ng ama

Isang 12-anyos na nene ang nagharap ng reklamo laban sa sarili niyang ama na dalawang ulit na nanghalay sa kanya sa kanilang bahay sa Pasig City.

Lumuluhang dumulog sa Pasig City Police ang biktima na itinago sa pangalang Lenlen, residente ng Manggahan Floodway ng nasabing lungsod.

Agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ang suspect na ama na si Luis Belen, 48.

Base sa salaysay ng biktima, naganap umano ang unang panggagahasa sa kanya ng ama noong nakalipas na taon.

Tinakot umano siya ng suspect na papatayin silang mag-ina sa sandaling magsumbong siya.

Naitago umano niya ng mahabang panahon, subalit noon lamang nakalipas na Linggo makaraang mailibing ang yumao niyang ina ay muling inulit ng kanyang hayok na ama ang panghahalay.

Kahapon naglakas loob na ang biktima na magsumbong sa pulisya. Positibong hinalay ang bata matapos ang isinagawang eksaminasyon kaya agad na isinagawa ang operasyon at nadakip ang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments